Morning view in Bucana |
Umagang kay ganda;
Pagka-gising mo sa umaga,
kasabay sa pagsikat ng araw iyong makikita.
Saan ka pa makakita ng tanawing ibang-iba.
Kun'de sa Bucana lang pala.
Bayanihan ay nangyayari;
Kapag ang bagyo ay naghahari.
Kapit bisig kababayan;
Panalangin sa may kapal ating higpitan,
Ng atin malampasan ang sakunang nararanasan.
Pangingisda, pagpapadyak o pagtitinda man iyong kabuhayan;
Kayod kababayan,
Di bali ng hindi tayo yayaman,
Ang yaman ay materyal na bagay lamang,
Ang importante tayo ay kontento, maligay at nagmamahalan.
'yan ang taga-Bucana.
Poem by: Inday Jenny Jayon - O'Toole
very well written poem